1 Nikotaur

New Years Resolution Essay Tagalog

English Version (Click Here)

Parehong nakakapagpasigla at nakakalungkot ang Enero. Sa pagdiwang ng bagong taon marami ang sumusubok gumawa ng mas mabuti at mas nakatutulong na habits, at napakarami din ang kukulangin ng disiplina at inspirasyon para ipagpatuloy ang mga pagbabagong ito. Ang iba naman, hindi nila alam ang gusto nilang gawin ngayong bagong taon. Kahit ang bawat isa sa atin ay mai iba-ibang idea kung ano ang pinakamabuting new year’s resolution, eto ang sampung gawaing pwede mong subukan sa dadating na panahon. Hindi mo kailangang gawin silang lahat, pero dahil sila’y mga popular na payo ng self-improvement literature, baka gugustohin mo silang subukan.

10 Best New Year’s Resolutions na pwede mong subukan ngayong Bagong Taon

 

  1. Gumawa ka ng Layunin o Goals at araw araw mo silang basahin

Sabi ng self-development author at speaker na si Brian Tracy, ang success at pag-asenso ay dahil sa mga layunin at ang lahat ng iba ay komentaryo lamang. Gustohin man natin o hindi, ang buhay natin ay pagaling magbabago. Kung hindi natin kokontrolin ang pagbabagong ito at siguraduhing bubuti ang ating kalagayan, tayo’y magrereact lamang sa mga problema at hadlang na palagi nating haharapin.

Bago ko isinulat itong article na ito, umupo ako sa aming dinner table at nireview ko ang mga goals na isinulat ko noong nakaraang taon. Tinanggal ko ang mga nagawa ko na, at binago ko ang mga hindi ko pa natatapos. Subukan mo rin iyon. Isulat mo ang mga pangarap o layunin mo at gumawa ka ng mga bagay na tutuparin mo ngayong taon!

(Kung gusto mong matutunan ang mainam na paraan sa paggawa ng layunin, basahin mo itong article na ito: “Paano gumawa ng Layunin sa Buhay: Ang Pangunahing Sangkap ng Tagumpay”)

 

  1. Magdesisyon kang umunlad

Itanong mo sa sarili mo: “Ano ang pwede kong gawin NGAYON para maisagawa o maipagpatuloy ang aking mga layunin?” Ano man ang sagot na maisip mo, GAWIN MO!

  • Gusto mong magsimula ng negosyo ngayong taon? Isulat mo na ang business plan, tawagan mo ang mga bangko para sa mga loans at rates nila, ilista at kalkulahin mo ang mga kailangan ng negosyo, magtanong ka sa mga kaibigan mo o maghanap ka sa internet ng suppliers, pag-aralan mo kung paano maghanap ng mga empleyado, atbp.
  • Gusto mong maging mas-mabuting leader o manager at mapromote? Magvolunteer ka para mamuno sa susunod na proyekto, magbigay ng mabuting feedback sa mga empleyado at katrabaho mo ngayon, ayusin mong muli ang mga prioridad ng iyong team at ireassign mong mabuti ang mga gawain, simulan mo nang isulat ang mga reports na kailangan mo sa susunod na buwan, atbp.
  • Gusto mong maging mas-healthy? Umupo ka ng maayos sa iyong upuan, uminom ka ngayon ng baso tubig, kumuha ka ng prutas at kainin mo ito, bumili ka ng prutas at gulay sa susunod mong pagpunta sa grocery, atbp.

Sabi ni Tom Hopkins, ang mga nananalo sa buhay ay laging gumagawa ng pinakamainam na gawain sa bawat panahon. Lahat tayo’y mayroong 24 oras kada araw. Kailangan nating gamitin ito ng mabuti kung pangarap nating magtagumpay.

 

  1. Lakihan mo ang Iyong Pangarap

Isang sirang kubo sa lansangan, o magandang mansion na naglalaman ng lahat ng gusto at pangangailangan mo. Mangalakal sa basurahan para makakain, o magkaroon ng mabuting career o negosyo na nagbibigay ng magarang kita at pangkabuhayan. Kumita ng kakaringit na pera para mabuhay, o kumita ng napakaraming pera para mabuhay ng masagana at makatulong sa kapwa. Alin man sa mga iyon ang gusto mo, ikaw ang pipili ng pagsisikapan mo at kung saan ka magiging komportable. Ano man ang mga layunin mo, proyekto mo, o mga gusto mong gawin, lakihan mo ang iyong mga pangarap. Ang matataas na pangarap lang ang magbibigay sa iyo ng lakas, inspirasyon, at tapang na kakailanganin mo para magtagumpay.

  1. Think Positive (Gawin mong Positibo ang iyong Pag-iisip)

Sabi nga, ang ating pag-iisip ay nagiging gawain, ang ating mga gawain ay ating nakakasanayan, at ang mga nakasanayan nating gawin ay basehan ng ating kapalaran. Tumigil ka na sa pagrereklamo tungkol sa iyong mga problema dahil binubulag ka nito mula sa iyong mga oportunidad at itigil mo na ang inggit sa tagumpay ng iba dahil ang mga negatibo mong pag-iisip ay babalik sa iyo at mananatili ka sa kabiguan. Kung pangarap nating makamit ang tagumpay, pagmamahal, kayamanan, kaibigan, at kasaganaan sa ating buhay, kailangan magsimula tayo sa paggawa at pagpapanatili ng mga ito sa ating isipan.

 

  1. Makipagkaibigan ka sa mga Mabubuting Tao

May kasabihan na ikaw ang average ng limang taong palagi mong nakakasama. Makisama ka sa mga mapagreklamo, mga talunan, at mga kriminal at ikaw ay magiging katulad nila. Makisama ka sa mga toxic na tao na palagi kang minamaliit kapag ikaw ay nagtagumpay at pinupuna ka kapag sinusubukan mong umasenso at ikaw ay mananatili sa iyong lebel ng kabiguan. Magsimula ka sa sarili at subukan mong maging mas-mabuting tao, saka ka makisama sa mga matagumpay na taong magbibigay sa iyo ng lakas ng loob, tutulungan kang ipagpatuloy ang mga kailangan mong gawin, at tutulungan ka at bibigyan ka ng magbubuting payo. Sa pagdaan ng panahon makakamit mo rin ang tagumpay katulad nila.

 

  1. Alagaan mo ang iyong Kalusugan

“You are what you eat” (ang pagkatao mo ay mula sa kinakain mo) ay hindi lang isang kasabihan. Ang bawat cell sa iyong katawan (at utak) ay gawa sa at tumatakbo gamit ang iyong mga kinakain at iniinom. Isipin mong sasakay ka sa isang Ferrari o Porsche na gawa sa mahinang bakal at mumurahing plastik. Malamang aayawan mo ito dahil ito’y magkakaaksidente. Kung ayaw mong maging gawa sa basura ang iyong kotse, bakit mo hahayaang magaya dito ang iyong katawan at isipan? Ang iyong pagkilos at pag-iisip ay apektado ng iyong kalusugan, kaya alagaan mo ang iyong sarili ngayon pa lang.

Matulog ka ng mabuti gabi gabi, uminom ka ng mas maraming tubig kaysa softdrinks, kumain ka ng mas maraming prutas at gulay, tumigil ka na sa pagbili at pagkain ng sitsirya, pag-aralan mong magluto ng masustansyang pagkain kaysa bumili ng processed fast food, mag-ensayo ka kada umaga, sumali ka sa isang gym o martial arts class, atbp. Napakaraming positibong pagbabagong pwede mong gawin para sa iyong kalusugan at makakatulong ang mga ito sa iyong pagsisikap sa pangmatagalan. Hindi mo kailangang baguhin ang lahat ng iyong gawain ng sabay sabay. Kailangan mo lang pagbutihin ang iyong lifestyle gamit ang paisa-isang pagbabago.

 

  1. Itigil ang Paggastos sa walang kwenta at damihan ang pagpondo sa Nakabubuti

Isang natutunan ko mula sa librong “Your Money or Your Life” (ni Vicki Robin at Joe Dominguez) ay napakarami sa atin ang nagsasayang ng pera sa mga bagay na hindi natin kailangan dahil akala natin ito’y magpapasaya sa atin, pero madalas hindi tayo nagtatagumpay doon. Halimbawa, naaalala ko dati na isang linggo kong pinag-isipang bumili ng VR headset at binili ko ito ng ilang daang piso… at ito’y ginamit ko mga isa o dalawang beses lamang sa isang taon. Halos lahat tayo ay may mga bagay na binibili natin dahil nakakatuwang gumastos at hindi dahil sa benepisyong naibibigay ng binibili natin. Para sa iba, ito’y pagbili ng bagong damit, bagong gadget o videogame, o iba pa. Kailangan nating iwasan ang mga hindi kailangan at gamitin natin ang oras at pera natin sa mga mas mahahalagang bagay at mga bagay na nagbibigay ng tunay at pangmatagalang benepisyo.

 

  1. Pagbutihin mo ang iyong kakayahan at ipagpatuloy mo ang iyong edukasyon

Ano ang ginagawa mo ngayon para kumita ng pera? Magsulat ng papeles at articles para sa mga kliente at magazine? Magdevelop at magmarket ng bagong produkto para sa iyong kumpanya? Mamuno ng ilang dosenang team members? Ano man ang ginagawa mo, hindi ba panahon na para maging mas magaling dito?

Subukan mo ang ilang bagong productivity techniques para mas madami kang matatapos kada araw, gumawa ka ng bagong sistema para makaisip ng mas mabuting idea at pagoutline ng iyong mga isusulat, subukan mo ang mga bagong marketing techniques para dumami ang benta at kita, o mag-aral ka ng mga leadership techniques ng mga CEO at magagaling na managers. Sabi ni Oliver Cromwell, ang mga hindi nageensayo para mas gumaling ay nawawala sa pagiging magaling. Kailangan mong maghasa ng iyong mga kakayahan dahil kung hindi ikaw ay maiiwan.

  1. Mag-aral ka ng bagong kakayahan!

Nariyan ka sa kinatatayuan mo dahil sa mga bagay na natutunan mo. Ang mga doktor ay kumikita ng pera dahil natutunan nilang magpagaling ng tao gamit medicine, ang mga real estate agents ay kumikita dahil natutunan nilang bumili at magbenta ng lupa, at ang mga CEO ay kumikita ng pera dahil natutunan nilang mamuno ng mga kumpanya. Nakamit mo ang iyong trabaho at laki ng kinikita dahil natutunan mo ang mga kakayahang kailangan para dito, at kung pangarap mong umasenso sa iyong career at lumaki ang sweldo kailangan mong matutunan ang kailangan para sa mga susunod na hakbang pataas.

Pag-isipan mo ngayon ang mga kakailanganin mong pag-aralan:

  • Personal finance at investing para palakihin ang iyong net worth at makamit ang financial freedom?
  • Paano bumili at magbenta ng real estate at paano magtayo ng rental properties o bahay na uupahan?
  • Paano magsimula ng side-business tuwing weekends para kumita pa ng pera at balang araw maging full-time na negosyante?
  • Mas-mabuting internet marketing techniques at “growth hacking” para makahanap ng mas-maraming customers para sa iyong negosyo o department? Copywriting? Paano gumawa ng mas mabuting “sales funnel”?

Ikaw ang bahala. Kapag mas-marami kang natutunan, mas-marami kang mahahanap na oportunidad.

  1. UMAKSYON ka at MAGPATULOY!

Sabi na pinakabusy para sa mga gyms at fitness clubs ang Enero, pero sa pagdaan ng susunod na mga buwan ang mga tao ay nagsisilayasan. Ang mga positibong pagbabago ay hindi mangyayari kung hindi ka magsisimula at hindi ito magtatagal kung hindi mo ito ipagpapatuloy. Kapag gusto mong magsimula ng mabuting habit, ang pinakamadaling paraan para simulan ito ay patuloy mo itong gawin ng isang buong buwan. Pagdaan ng panahon, ito’y magiging automatic, gaya ng paggising sa isang nakatakdang oras para pumasok sa trabaho o pagsipilyo bago matulog. Kapag may natutunan kang bagong mabuting habit, saka ka na magdagdag ng kasunod nito.

Hindi naman talaga natin kailangang maghintay sa susunod na bagong taon para gumawa ng mabuting pagbabago, pero ang okasyon na iyon ay paalala para sa ating lahat na pagbutihin ang ating sarili. Ang pinakamabuting new year’s resolution ay magkakaiba para sa ating lahat, pero ang isang paraan para maging mas epektibo ito ay ang pagshare nito sa mga taong makatutulong sa iyo na maging responsable para dito. Bakit hindi mo subukang ishare ito dito?

Ano ang iyong new year’s resolution? Ikwento mo sa amin sa comments section sa ibaba!

Powered by Facebook Comments free add-on for most feature packed social sharing plugin for WordPress Easy Social Share Buttons

Join our Newsletter

Subscribe to our mailing list to receive awesome freebies and updates right in your email inbox.

Thank you for subscribing!

Something went wrong.

We respect your privacy and take protecting it seriously

Join our Newsletter

Subscribe to our mailing list to receive awesome freebies and updates right in your email inbox.

Thank you for subscribing!

Something went wrong.

We respect your privacy and take protecting it seriously

Join our Newsletter

Subscribe to our mailing list to receive awesome freebies and updates right in your email inbox.

Thank you for subscribing!

Something went wrong.

We respect your privacy and take protecting it seriously

Filed Under: TagalogTagged With: achievement, best new year's resolutions, tagalog, wisdom

Malapit na malapit na ang Pasko at New Year.

Ilang araw na lang ay magpapaalam na ang 2012 at isang bagong taon muli ang ating sasalubungin. Bagong simula at ibayong pakikisabak sa mga dati at bagong challenges ng buhay.

Ang holiday season ay hindi lang panahon ng gastusan at pagkunsumo ng napakaraming calorie sa katawan. Panahon din ito ng pagpa-plano at pagre-recharge ng sarili. Kaya’t huwag kalimutan ang importanteng activity na ito. Huwag hayaang bumulaga ang bagong taon na hindi prepared.

Sa mga panahong ito ay maraming tao ang nagre-reflect sa lumipas na taon. Kung ano ang naging epekto ng kanilang mga desisyon sa kanilang kasalukuyang katayuan sa buhay.

Ako man ay nakiki-replek-replek na rin. Nais kong i-address yung mga partikular na isyung bumagabag sa aking personal na buhay nitong nakalipas na taon. Gusto kong gumawa ng mga tweaks sa ilang aspeto ng aking buhay ngayong bagong taon sa paghahangad na makaranas ng mga positibong pangyayari.

heto ako, nanigas na sa pag-iisip ng magandang new year’s resolution (ba’t wala akong salawal dito?)

Hindi gusto ng iba ang nagse-set ng New Year’s Resolution kasi nakaka-disappoint kapag hindi natupad. Pero para sa akin ay magandang bagay ang mag-set ng goal para sa sarili. At least may direksyon kang tinutungo. Hindi yung kahit ano na lang.

Malamang kasi na kapag kahit ano na lang ang pinuntirya eh kahit ano na lang din ang pwedeng mangyari.

Naisip ko lang (wow, nag-iisip ako 😀 ), kung ang isang indibidwal na nagnanais ng mabuting pagbabago para sa sarili ay nagse-set ng goal o new year’s resolution, ano kaya kung magkaroon din tayo ng isang Pambansang New Year’s Resolution taun-taon?

Kumbaga, bukod sa mga personal goals natin para sa sarili eh magse-set din tayo ng goals para maka-ambag sa new year’s resolution ng ating bansa.

Wild idea ba? Pero kapag nag-succeed iyon sa atin eh malamang gayahin din tayo ng ibang bansa. Trend setter ang dating natin. Mafi-feature na naman tayo sa CNN nito pag nagkataon 😀

kapag nag-krus ba ng mga daliri ay nangangahulugan ito ng pagsisinungaling o kagustuhan na matupad ang hiling? ano ba talaga?

Ang isang magandang new-year’s resolution na magandang i-suggest ay ang puksain o bawasan ang kultura ng katiwalian sa buong Pilipinas.

Bale depende sa kung ano ang katayuan ng isang Pilipino sa kanyang buhay, may ise-set s’yang personal new year’s resolution na makaka-ambag sa taunang new year’s resolution ng bansa.

Heto ang halimbawa ng new year’s resolution na maaaring gawin ng iba’t ibang uri ng Pilipino. Mga bagay na malaki ang maitutulong sa pagsupil ng katiwalian.

  • Anak – pagkasyahin sa sarili ang allowance at hindi na susungkitin ang alkansya ni nanay
  • Nanay – maging tapat sa pag-audit ng gastusin sa bahay at huwag magtago ng pera na lingid sa kaalaman ni mister
  • Tatay – mag-declare ng tamang assets at liabilites kay misis
  • Estudyante – mag-ukol ng sapat na oras sa pag-aaral bago ang test at huwag mangopya sa eksamen
  • Teacher – humanap ng ibang sideline na hindi gumigipit sa mga estudyante at ihinto ang pangongomisyon sa mga school project
  • Empleyado – maghanap ng mabibiling murang toilet paper at huwag mag-uwi ng toilet paper galing sa opisina
  • Employer – sumunod sa sariling mga ipinapatupad na patakaran
  • Cashier – maging tapat sa trabaho at huwag magbulsa ng benta
  • Manager – maging tapat din sa trabaho at huwag din magbulsa ng benta
  • Business Owner – magpasweldo sa tamang oras at huwag utangan ng sweldo ang mga trabahador
  • Government Employee – magtrabaho’t umuwi sa tamang oras at huwag pakikipagkuwentuhan at pag-a-undertime ang inaatupag
  • Elected Government Official – sumunod sa mga batas ng Pamahalaang Pilipinas at huwag pumatay, huwag magnakaw, huwag tumira sa labas ng bayan kung saan naihalal at huwag magparami ng asawa’t anak

Kung pagpuksa din lang sa kultura ng corruption ang ating magiging Pambansang New Year’s Resolution eh maraming paraan tayong maiisip para makipag-cooperate dito.

Pagkatapos ng new year’s resolution na ito, maaaring mag-set ulit ang Pamahalaan ng iba namang bagong new year’s resolution sa susunod na taon. Iyon ding tumatalakay sa mga importanteng issue ng ating bansa (gaya ng kahirapan, kriminalidad, pag-abuso sa karapatang pantao, at iba pa). At least kahit paano, every year, one major issue at a time eh may naa-address tayo. Pwede rin naman na hanggang dalawang major issue ang sabay na magiging tema ng Pambansang New Year’s Resolution.

Hindi naman ibig sabihin nito na hindi na gagawin ng Pamahalaan ang iba nitong obligasyon. Kumbaga, paglalagakan ng concentrated effort na may kooperasyon ng mga mamamayan ang ise-set na goal bawat taon.

Wild idea at may pagka-out of this world siguro at siguradong maraming kokontra dito kapag isinuggest ito kahit sa Baranggay Hall lang.

Pero sa tingin ko eh kung nahihikayat ng Pamahalaan ang mga mamamayan na sumuporta sa mga proyekto nito (gaya halimbawa ng pag-promote ng turismo sa Pilipinas) eh mae-encourage din nitong mag-participate ang mga Pilipino sa pagsasakatuparan ng isang Pambansang New Year’s Resolution.

Happy holidays sa inyong lahat! Hindi pa po ito ang huling post ko this year 😀


‹ Paano Makatulong sa mga Sinalanta ng Bagyong Pablo

2012 OFW Blogger of the Year Award ›


Categories: Halu-halo

Tags: katiwalian sa lipunan, kaugaliang pinoy, kultura ng korupsyon, New Years Resolution, pasko at bagong taon, Pilipinas, pilipino

Related Articles

Like this:

LikeLoading...

Leave a Comment

(0 Comments)

Your email address will not be published. Required fields are marked *